Trike driver tiklo sa P2.72 milyong shabu
MANILA, Philippines — Hindi na nagawang bumarurot sa takbo ang isang traysikel drayber matapos na masamsaman ng P2.72 milyong halaga ng hinihinalang shabu, kamakalawa sa Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ang suspek na si Arnel “Bay” Gonzales, 30, nakasama rin sa drug watchlist ng pulisya.
Ayon sa ulat ng PNP, bandang alas-3:30 ng hapon nang ilunsad ang buy bust operation laban sa suspek sa McArthur Highway sa Barangay Tabun.
Matapos madamba ay nasamsam ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 400 gramo na may street value na P2,720,000.00, isang digital weighing scale, isang unit ng Toyota Corolla na kulay pula na may plakang TLE 296 at perang ginamit bilang marked money.
Nasa kostudiya na ng Mabalacat City Police Station si Gonzales at nakatakdang kasuhan.
- Latest