Saliva COVID-19 test ‘di kasama sa PhilHealth benefits
MANILA, Philippines — Hindi pa isinasama ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang COVID-19 saliva testing sa mga benefit package na ibinibigay na ng Philippine Red Cross (PRC).
Inumpisahan na ng PRC ang pagsasagawa ng saliva testing na mas mura at kasing-epektibo ng PRC testing makaraang bigyan na ng approval ng DOH. Ngunit hindi pa binigyan ang PRC ng ‘go-signal’ ng DOH Health Technology Assessment Council para magamit sa publiko.
Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC Molecular Laboratories hindi pa kasama sa Philhealth benefit package kaya karamihan ng kinokolektang sample ay out of pocket pa o galling sa bulsa na binabayaran ng mga tinitest.
Pero, kung nakasama na umano sa Philhealth benefit package, mas malawakan na ang magiging testing.
Sa ngayon ay sinasanay na ang mga chapters kung papaano magkolekta ng saliva samples at nagsasanay na rin ng molecular staff sa buong Pilipinas.
Ayon pa kay Ubial, ang saliva test ay convenient dahil hindi siya mahirap gawin dahil ito ay self collection at ligtas din sa saliva specimen collector kahit hindi na kailangan pang magsuot ng personal protective equipment o PPEs.
Ang isusuot lamang ng saliva specimen collector at facemask, faceshield at gloves.
Mahalaga rin aniya na ang saliva test ay abot kaya dahil 50% na mas mababa sa conventional swab test kung saan aabot lamang sa P2 libo ang halaga nito.
- Latest