^

Police Metro

P1.5 milyong smuggled na gamot nakumpiska

Pang-masa
P1.5 milyong smuggled na gamot nakumpiska
Isinagawa ng mga ahente ng BOC-CIIS ang anti-smuggling ope­rations sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Enero 14.

MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.5 mil­yong halaga ng smuggled na gamot ang nakumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service (IIS) na nakatalaga sa Manila International Container Port (MICP).

Isinagawa ng mga ahente ng BOC-CIIS ang anti-smuggling ope­rations sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Enero 14.

 Armado ng Letter of Authority (LOA), ininspeksiyon ng mga otoridad ang Pasay sto­rage facility, kung saan nadiskubre nila ang isang makeshift clinic na may mga illegal Chinese me­dicines.

Isa sa mga nakum­piskang medisina ay natukoy na ‘RIBAVIRIN’ na ginagamit na lunas sa pneumonia at bronchitis, kaya’t lumaki ang hinala ng mga otoridad na ginagamit ang klinika sa paggamot ng mga CO­VID-related cases.

Ang mga medisina na kinumpiska ay sumasai­lalim na ngayon sa inventory at investigation para sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA), kasabay nang pagsasagawa na rin ng imbestigasyon upang matukoy ang mga taong responsible sa pag-ope­rate ng makeshift clinic.

Nagbabala ang BOC laban sa paggamit ng medisina nang walang kaukulang clearance mula sa Department of Health  at Food and Drug Administration  at umapela sa publiko na tigilan ang pagpapagamot sa mga fly-by-night clinics na maaaring magdulot sa kanila ng higit pang problema sa kalusugan.

BOC

GAMOT

SMUGGLED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with