^

Police Metro

Deadline sa road clearing ops pinalawig hanggang Enero 22

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng isang linggo ang deadline para sa Road Clearing Ope­ration 2.0 (RCO 2.0) na isinasagawa ng mga local government units (LGUs) sa bansa.

Ayon kay DILG spokesman Usec. Jonathan Malaya, kasunod na rin ito ng kahilingan ng LGUs na bigyan pa sila ng mahaba-habang panahon para matanggal ang mga road obstructions sa kani-kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Malaya na pinagbigyan naman ng DILG ang kahilingan ng mga LGUs, kaya’t sa halip na hanggang Enero 15 ay ginawa itong hanggang Enero 22, 2021 na lamang, habang ang balidasyon nito ay magsisimula sa Enero 25, 2021.

Ani Malaya, puma­yag silang palawigin ang deadline dahil na rin sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa.

“We extended the deadline for RCO 2.0 because these are extraordinary times; we are in a pandemic and LGUs have a lot on their plate. We understand the request so the Department granted it,” aniya pa.

ROAD CLEARING OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with