^

Police Metro

3 pang ruta ng 40 provincial bus, bubuksan sa Mindanao

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bubuksan na ngayong araw ang tatlo pang ruta para sa may 40 Provincial Public Utility Bus (PUB) na bibiyahe sa ilang probinsya sa Mindanao.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang sa mga ruta ng mga provincial buses na magbubukas ngayong Linggo ay ang Cagayan de Oro City – Tacurong, Sultan Kudarat; Davao City-Arakan, North Cotabato at Davao City-Kidapawan City.

Sinabi ng LTFRB na maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.

Kinakailangan ding nakarehistro sa Perso­nal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit naman anila ng Special Permit (SP) ay mayroong QR CODE na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Maaaaring i-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB  na https://ltfrb.gov.ph/.

Bukod sa QR Code, kailangan ding sumunod ang mga pickup at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.

PROVINCIAL BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with