^

Police Metro

Kambal na lindol sa kapaskuhan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkasunod na lindol ang naganap kahapon na mismong araw sa Calatagan, Batangas at Davao, Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng 6.3 magnitude na lindol sa may 015 kilometro ng timog kanluran ng Calatagan, Batangas kahapon ng alas 7:43 ng umaga.

Umabot sa 109 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang pagyanig sa lakas na Intensity 5 sa Balayan, Nasugbu, Batangas City, Balayan, Calaca at San Luis, Batangas; Tagaytay City, Ama­deo, Indang, Kawit and Alfonso, Cavite; Lubang at Looc, Occidental Mindoro; Biñan, Laguna.

Intensity 4 sa Abra de Ilog at Paluan, Occidental Mindoro; Taal, San Jose, San Pascual, Lemery, Malvar at Ibaan, Batangas; Maragundon at Carmona,Cavite; San Pedro, Laguna;  Maynila; Marikina City; Quezon City; Cainta, San Mateo at Antipolo City, Rizal; Pasig City; Las Piñas City; Obando, Malolos, and Meycauyan, Bulacan; Subic and San Felipe, Zambales; Alaminos, Pangasinan; Santo Tomas, La Union; City of Mabalacat, Pampanga.

Intensity 3 sa  Talisay at Santo Tomas, Batangas; Puerto Galera, Pinamalayan, Naujan, San Teodoro and Calapan, Oriental Mindoro; Caloocan City; Tanay, Rizal; San Jose Del Monte City and Plaridel, Bulacan; San Jose City at Gapan City, Nueva Ecija; Cabangan at Iba, Zambales; Samal, Bataan; Floridablanca at Santa Ana, Pampanga; Valenzuela City; Malabon City.

Intensity 2 sa - San Isidro, Nueva Ecija; Alaminos City, Pangasinan; Lucban at Guinayangan, Quezon; Doña Remedios, Trinidad at Intensity I sa Villasis, Pangasinan; Lucena City, Quezon

Matapos ang unang lindol  ay niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Daval Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS na naramdaman ang pagyanig sa layong 95 kilometro ng southeast ng bayan ng Sarangani bandang alas-10 ng umaga.

Tectonic ang sinasabing origin ng pagyanig na may lalim na 111 kilometro na naramdaman sa Alabel, Sarangani (Intensity II) at sa Kiamba, Sarangani; Koranadal City; at General Santos City (Intensity I).

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks. - Joy Cantos at Rhoderick Beñez

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with