5 COVID-19 vaccine maker magsasagawa ng clinical trial sa Pinas
MANILA, Philippines — Nagsumite ng aplikasyon sa Food and Drugs Authority ang limang internasyunal na pharmaceutical company para magsagawa ng ‘clinical trials’ sa Pilipinas para sa kanilang binubuong bakuna kontra sa COVID-19.
Ang magsasagawa ng ‘clinical trials’ sa Pilipinas ay ang Gamaleya Institute ng Russia; Clover Biopharmaceuticals ng China; Janssen Pharmaceutical ng Europa; Sinovac ng China; at Astra Zeneca na nakabase sa United Kingdom (UK).
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas gusto ng pamahalaan ng Pilipinas na makapagsagawa ng trials sa mga Pilipino para maagang malaman kung epektibo ito.
Pinapabilis na rin umano ng FDA ang proseso nang pagbili ng mga bakuna na maaaring dumating sa bansa bago ang pagpasok ng ikalawang quarter ng taong 2021.
Inaasahan na magpapalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) para mag-isyu ng ‘emergency use authorization’ (EUA) para sa mga bakuna makaraang hilingin ng FDA.
- Latest