67 patay sa Bagyong Ulysses — NDRRMC
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa 67 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Batay sa mensahe ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 22 sa bilang na ito ay mula sa Cagayan Valley Region, dalawa ang mula sa Central Luzon, 17 sa Calabarzon, walo sa Bicol Region, 10 sa Cordillera Administrative Region (CAR), at walo mula sa National Capital Region (NCR).
Habang 12 pa ang naitalang nawawala kung saan walo ang mula sa Bicol Region, tatlo sa NCR, at isa sa Calabarzon.
Ayon pa kay Timbal, 21 ang nagtamo ng sugat sa gitna ng paghagupit ni Ulysses na ang 9 dito ay mula sa Calabarzon, 8 sa Bicol Region, 3 sa Central Luzon, at 1 sa CAR.
- Latest