^

Police Metro

Task force Rolly, Ulysses binuo inutos ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Task force Rolly, Ulysses binuo inutos ni Duterte
“Binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ‘yang mga hakbang na ‘yan na walang delay at i-cut ‘yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao,” pahayag ni Duterte.
King Rodriguez/ Presidential Photo

MANILA, Philippines — Upang mabilis na mahatid ang tulong at rehabilitas­yon sa mga nasalanta ng bagyo, iniutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task force upang mapabilis ang rehabilitasyon at mabigyan ng tulong ang mga sinalanta ng nagdaang bagyong Rolly at Ulysses.

Sa public address, sinabi ng Pangulo na kasali sa bubuuing task force ang halos lahat ng mga ahensya ng gobyerno.

“Binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ‘yang  mga hakbang na ‘yan na walang delay at i-cut ‘yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao,” pahayag ni Duterte.

Round-the clock din aniya ang ginagawang trabaho ng Armed Forces of the Philippines para tulungan ang mga mamamayan sa Region II na nasa bubungan pa rin ng kanilang mga bahay.

 “Iyong mga search and rescue, mayroon ta­yong mga support forces rin. Ang pinakamadali the Armed Forces of the Philippines, particularly the Luzon Command, has been deployed. Lahat ‘yan, Navy, Army, naka Coast Guard, naka-deploy diyan sa Region II,” ani Duterte.

Sa huli ay sinabi ng Pangulo na mahirap ang sitwasyon pero babangon pa rin ang mga Pilipino.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with