^

Police Metro

42 patay iniwan ni ‘Ulysses’

Doris Franche - Pang-masa
42 patay iniwan ni ‘Ulysses’
Lumulusong sa putik ang mga residente ng Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal na naapektuhan ng matin­ding baha.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nag-iwanng 42 patay ang bagyong Ulysses nang bahain nito ang Metro Manila at Luzon na lagpas tao at naging sanhi rin ng pagbagsak ng mga pader, pagguho ng lupa at mga makakapal na putik sa maraming lugar.

Libong tao ang sinagip sa bubong ng kanilang mga bahay dahil sa pagtaas ng tubig-baha sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay PNP Chief Debold Sinas, 3 ang namatay sa Metro Manila; 14 sa PRO2; 3 sa PRO3; 9 sa PRO4A; 6 sa PRO5; at 7 sa PROCOR habang  22 pa ang nawawala.

Kaya naman nagdeploy ang militar ng amphibious assault vehicles na karaniwang ginagamit sa counter-insurgency operations para magsagawa ng rescue operation.

Magugunita na sina­lanta ng bag­yong Ulysses ang Metro Manila at karatig lalawigan na kung saan ay itinumba ang mga poste ng kur­yente, puno at pader sa dala nitong hangin at pagguho ng lupa.

Umabot din sa halos 3.8 milyon kabahayan sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nawalan ng kuryente na agad din naibalik sa ibang lugar pagkalipas ng ilang oras at inaasahan naman na “fully restored” sa loob ng tatlong araw.

Iniulat naman ni DPWH Secretary Mark Villar na tinatayang aabot sa P4.25 bilyong halaga ng imprastraktura ng pamahalaan na winasak kabilang ang kalsada, tulay, seawalls, at mga pampublikong gusali. - Danilo Garcia, Angie dela Cruz, Malou Escudero

BAGYONG ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with