^

Police Metro

Solon nanawagan ng ayuda para sa mga taga-Albay na sinalanta ni ‘Rolly’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ng ayuda para sa kanyang distrito na matin­di at lubhang sinalanta ng bagyong Rolly na kung saan malawakang kasiraan ang iniwan na tinatayang aabot sa P2.1 bilyon ang halaga.  

Nasa 20,494 pamil­ya na binubuo ng mga 66,328 katao ang ngayo’y kasalukuyang nakasilong sa mga ‘evacuation centers’ sa distrito, gaya ng mga sumusunod: Camalig, 6,648 pamilya; Manito-1,647 pamilya; Rapu-rapu-2,052 pamilya; Legazpi City – 6,439 pamilya; Daraga -- 3,708 pamilya. Nabatid na nasa 450 kabahayan ang matinding nagiba, at 768 ang bahagyang nasira.

Pakiusap ni Salceda sa mga nais tumulong  ay makipag-ugnayan at tumawag sa mga sumusunod: Atty. Carol Sabio (0917 253 8813); Justin Jay Bolanos (09175788215/0923 729 3443); Zaldy Santillan (0925 852 4174).

Para naman sa mga nais magkaloob ng tulong pinansiyal ay mangyari lamang na magdeposito sa:TAYO, Inc Metrobank Team Albay Youth Organizations, Inc.,595-7-59500460-4; GCash Cathlea E. Madrona (09561633980); at Palawan Express, Asher  Jade T. Azul (090­65910447).

BAGYONGROLLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with