^

Police Metro

19-31 milyong Pinoy apektado ng bagyong Rolly

Doris Franche - Pang-masa
19-31 milyong Pinoy apektado ng bagyong Rolly
Minamasdan ng mga residente ang kanilang mga bahay na nabaon sa lupa nang rumagasa ang lahar sa Daraga, Albay matapos hagupitin ng bagyong Rolly.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ni Natio­nal Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) spokesman Mark Timbal na tinatayang 19 hanggang 31 milyong mga Filipino ang maaapektuhan ng bagyong Rolly.

Pero, siniguro ni Timbal na sapat ang mga evacuation centers sa mga nasabing lugar kung saan inilikas ang mga apektadong kababayan natin.

Iniulat ni NDRRMC Executive Director Usec Ricardo Jalad na sa Bicol region halos isang milyon na ang inilikas bago pa man mag-landfall ang bagyong Rolly kahapon ng madaling araw sa Ca­tanduanes.

Lahat ng mga nakatira sa mga danger zones ay inilikas na sa mas ligtas na lugar dahil ang bagyong Rolly ay may dalang malakas na hangin at pag-ulan na magdudulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge.

Pinatitiyak naman ni Jalad sa mga LGUs na nasusunod ang Covid-19 protocols sa mga evacuation centers.

BAGYONGROLLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with