^

Police Metro

Mga kaalyado ni Duterte kasama sa imbestigasyon ng katiwalian

Malou Escudero - Pang-masa
Mga kaalyado ni Duterte kasama sa imbestigasyon ng katiwalian
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng mga magulang sa Davao ilang oras bago magsara ang mga sementeryo at mga kolumbaryo sa bansa.

MANILA, Philippines — “Naghahanap lang po ng ebidensya ang Pangulo. Kahit sino naman po, kahit gaano kalapit sa kanya, kahit gaano ang pagpuri niya sa nakaraan kung meron naman pong ebidensya ng katiwalian ay parurusahan ng ating Presidente.”

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi exempted sa imbestigasyon ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaakusahan ng katiwalian.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Roque matapos punahin ni Sen. Panfilo Lacson ang mistulang pagtatanggol ng Pangulo kina Health Secretary Francisco Duque III at Public Works Secretary Mark Villar.

Tiniyak ni Roque na ang papuri ng Pangulo sa dalawang opisyal ay hindi nangangahulugan na hindi na sila maaaring imbestigahan.

Ipinunto pa ni Roque na bilang dating prosecutor, malawak ang karanasan ng Pangulo pagdating sa mga kaso tungkol sa  Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

vuukle comment

KATIWALIAN

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with