Philippine ambassador sa Brazil sinibak sa pagmaltrato ng staff
MANILA, Philippines — Sinibak ang Philippine ambassador to Brazil dahil sa umano’y pagmamaltrato sa kanyang staff member.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinababalik si Marichu Mauro matapos na makunan ng video na minamaltrato ang kasambahay na isa ring Filipina at pagpapaliwanagin niya ito pagdating sa Pilipinas.
Nakuhanan umano ng security camera si Mauro na minamaltrato nang paulit-ulit ang kanyang service staff na 51 taong gulang na Filipina sa loob ng kanyang diplomatic residence.
Kabilang umano sa pangmamaltrato na ginagawa ni Mauro ay ang pananampal sa biktima at tumigil lamang nang may dumating pa na isang empleyado sa bahay.
Habang sa isa namang video na nakunan ay hinihila ng ambassador ang tenga at pinapalo rin ng payong.
Si Mauro ay nagsimula ang tour of duty sa Brazil noong Pebrero 2018.
- Latest