^

Police Metro

Sobrang paniningil sa Port Capinpin, inalmahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaalma ang ilang mga dumadaong sa itinalagang crew change hub ng pamahalaan sa Port Capinpin sa Orion, Bataan dahil sa sinasabing umano’y korapsyon doon.

Partikular na tinukoy ang ginagawa umanong sobra-sobrang paniningil ng mga taga-Bureau of Customs (BOC), Bureau of Quarantine (BOQ), at Bureau of Immigration (BI) sa nasabing pantalan.

Base sa dokumentong lumalabas na naniningil ang mga nasabing ahensya ng mas mahal na “facilitation fees” kumpara sa ibang designated crew change hubs.

Naniningil ng $2,850 sa Port Capinpin kumpara sa $500 sa Port of Manila para sa Customs Bon­ding, Customs Entrance Clearance, Customs Ins­pection, Medical Qua­rantine, Plant/Animal/Fishery Quarantine at Incidental to Port Authority Charges na mas mataas ng $2,350.

Mataas din umano ang kinokolektang Immigration stamping na aabot sa $600 kumpara sa $200 sa Port of Manila. Habang $1,500 ang crew changing fees sa Port Capinpin habang $800 lamang sa Port of Manila.

Sa kabuuan, sa Port of Manila ay $14,850 lamang ang kinokolekta sa mga services nito kumpara sa $20,345 na sinisingil sa Port Capinpin.

Mula naman sa $7,290 na port due sa Port of Manila, ibinaba ito ng limampung porsyento o gina­wang $3,645 sa Port Capinpin gayundin ang anchorage fee sa Port Ca­pinpin ay ginawang $900 kumpara sa $1,800 na sinisingil sa Port of Manila.

KORAPSYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with