Higit100 Pinoy seaman stranded sa China
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana na nasa mahigit 100 pang Filipino seafarers ang stranded sa mga barko sa karagatan ng China, ayon kay.
Sinabi ni Sta. Romana na inaayos na rin ang paglikas ng mga nasabing Filipino seamen na naapektuhan ng pandemiya.
“Actually, it used to be in the hundred ‘no, but most of them have gone home. Ang natitira na lang ngayon, I think, is less than a hundred or a little more. Pero ano na, one flight will suffice for now -one repatriation flight, and we hope this will be it,” ani Sta. Romana.
Karamihan aniya sa mga stranded na tripulanteng Pinoy ay nais nang bumalik sa Pilipinas dahil nagkaroon ng problema ang kanilang kompanya.
“Ngayon karamihan ng humihingi ng repatriation flight ay itong mga Filipino seamen na stranded dito. Ibig sabihin they’re working on Chinese ships or foreign ships pero nagkaroon ng economic problems or financial problems iyong kumpanya kaya nandoon lang sila sa laot,” ani Sta. Romana.
- Latest