PACC chief Belgica, kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Nagsampa ng mga kasong katiwalian sa Ombudsman ang mga empleyado ng Duty Free Philippines laban kay Presidential Anti Crime and Corruption (PACC) Commissioner Greco Belgica.
Ayon sa mga empleyadong sina Alexander Sablan, Ernesto Mangalindan, Romeo Silva Jr., Eric Oracion, Rizalino Santos, Nilo Duarte, Joaquin Vibal, Francis Daco at Carlito Ardales na lumapit sila kay Belgica para humingi ng tulong matapos silang tanggalin bilang mga empleyado ng Duty Free Philippines na kung saan sila ay pinangakuang tutulungan para makabalik sa kanilang trabaho.
Pinagbayad din umano sila ng P130,000.00 sa bawat pahina ng kanilang reklamo at pinapirma sa mga dokumento na may kaugnayan sa smuggling sa loob ng Duty Free Philippines.
Subalit, makalipas ang tatlong taon ay naglabas ng rekomendasyon si Belgica at hindi kasama sa kaso ang inireklamong opisyal na si Duty Free Philippines Chief Operating Officer Vicente Pelagio Angala.
Kaya’t umaapela sila kay Pang. Rodrigo Duterte at Sen. Christopher Lawrence Bong Go na tulungan silang makabalik sa trabaho at imbestigahan ang kurapsyon sa PACC at Duty Free Philippines.
- Latest