^

Police Metro

Manila Water Foundation inayudahan ANG apektado ni ‘Pepito’ sa Quezon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbigay ng ayuda ang Manila Water Foundation (MWF) sa Lucena City, lalawigan ng Quezon nang magpadala doon ng dalawang trak ng maiinom na tubig at pagkain sa mahigit 7,000 naapektuhang mamamayan ng bagyong Pepito.

Ayon sa advisory noong ika-5:00 ng umaga, inilahad ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) unit ng Quezon Province na ang bagyo ay nasa lugar ng District 4 at mahigit 23,000 mamamayan ang naiulat na inilikas na naapektuhan ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa. 

Mabilis na rumesponde sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo ang MWF at nagpadala ito ng 1,400 food packs, at mahigit 1,000 bote ng 500ml na maiinom na tubig. Na ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo na namamalagi sa mga evacuation centers.

Ang relief effort ay bahagi ng programang Agapay na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng sakuna mula sa mga kalamidad kagaya ng bagyo, baha, o lindol, at kaakibat ang Tanging Yaman Foundation, Inc. na namahala sa pag-aayos ng mga nasabing relief goods.

Magpapadala rin ng relief packs at hygiene kits ang Ayala Group of Companies, sa pangunguna ng Ayala Foundation, para sa mga naapektuhang pamilya ngayong araw.

MANILA WATER FOUNDATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with