Motorcycle taxis, kailangan ng basbas ng Kongreso
Bago makapasada…
MANILA, Philippines — “Hindi kasi puwede namang mag-operate nang walang franchise, pero kung papayagan naman ng Kongreso through a resolution iyong continuation ng pilot study prior to the approval of the franchise, mapapayagan naman sila.”
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.
Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.
Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House transportation committee ang resumption o pagbabalik ng pilot study sa motorcycle taxis.
“The best solution of course is for Congress to pass the franchise as law already, but we leave that to the sound judgement of Congress,” dagdag na pahayag nito.
Ang three ride-hailing platforms na nagpartisipa sa trial na nagtapos noong Marso ay Angkas, Joy Ride, at MoveIt.
Naging popular ang Angkas dahil sa pagbibigay ng murang ride-hailing services at mabilis na biyahe sa traffic-choked roads sa Metro Manila.
Sa kabila ng 50 percent ng ekonomiya ang muling nagbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng looser lockdown, ang public transport system ay nago-operate ng 30 percent lamang ng pre-pandemic capacity.
Nilinaw ni Roque, kinakailangan pa ring magpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa one-seat-apart policy at kinakailangan na mailathala mula sa Official Gazette.
- Latest