^

Police Metro

Pulong inihalal na Chairman ng Committee on Accounts

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naihalal bilang Chairman ng Committee on Accounts si presidential son at Deputy Speaker Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay ng rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa pagsisimula ng special session sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa P4.506 trilyong national budget ng pamahalaan ay ni-nominate ni  Deputy Majority Leader at 4th District Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc ang batang Duterte sa nasabing posisyon.

Wala naman ni isa sa mga mambabatas ang tumutol sa nasabing nominasyon ni Bondoc na hahalili sa puwesto ni  8th District Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Ang pagkakahalal sa presidential son ay matapos namang pormal na maratipikahan ang eleksiyon ng bagong House Speaker Lord Allan Velasco sa nominal vo­ting sa plenaryo ng Kamara.

Puspusan na ang pagtatrabaho ni Rep. Duterte sa 18th Congress na siyang kinatutuwa ng nakararami. Nauna na itong kinaibigan ng mga nurses sa private sectors nang ihain ng mambabatas ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”

PAOLO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with