86% Pinoy stress dahil sa COVID-19
MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey noong Setyembre 17 hanggang 20 mula sa 1,249 working age Pinoy, lumabas na dahil sa Covid-19 ay umabot sa 86% mga Pinoy ang stress at may 58% naman ang nagsabing dumanas ng “great stress” na mas mataas ng 7 puntos mula 51% noong July survey.
Batay sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na nakaranas ang karamihang Pinoy ng stress noong buwan ng Setyembre.
May 27% naman ng mga respondents ang nagsabing dumanas sila ng “much stress” habang 15% naman ang dumanas ng “little to no stress.”
Sa mga nagsabing sila ay nakaranas ng “great stress,” 69% naman ang nagsabing dumanas ng gutom dahil sa kakulangan sa pagkain, habang 53% ang nagsabing hindi ito naranasan.
Lumabas din sa survey na may 58% na jobless at may 58% na may trabaho ay nagsabing sila ay dumanas ng “great stress” dahil sa pandemic.
Mula sa Visayas naitala ang may pinakamataas na bilang ng stress sa 64%, Balance Luzon-58%, Mindanao -55 percent at Metro Manila- 53%.
Ang proportion na may “great stress” ay halos magkatulad sa mga lalaki – 58 % at sa mga babae – 57%.
Noong July, sa hanay ng mga lalaki ay umabot sa 49 percent at sa mga kababaihan ay umabot sa 52 percent.
Ang survey ay ginawa gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing. Mayroon itong sampling error na ±3 percent para sa for national percentages, ±6 percent para sa Metro Manila, ±5 percent para sa Balance Luzon, ±6 percent para sa Visayas, at ±6 percent para sa Mindanao.
- Latest