^

Police Metro

92% Pinoy bilib kay Duterte sa paglaban kontra COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa
92% Pinoy bilib kay Duterte sa paglaban kontra COVID-19
Ito ang lumabas sa resulta ng Pulse Asia survey, na sa 92 percent na ito, ay 62 percent ang matindi ang paghanga sa pagkilos ni Duterte habang ang 30 percent naman ang aprubado.
Presidential photo/Rey Baniquet

MANILA, Philippines — Hinangaan ng 92 porsiyentong Pinoy si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang paglaban nito sa pagdami ng COVID-19 case sa bansa.

Ito ang lumabas sa resulta ng Pulse Asia survey, na sa 92 percent na ito, ay 62 percent ang matindi ang paghanga sa pagkilos ni Duterte habang ang 30 percent naman  ang aprubado.

Ang mga taga-Minda­nao na may 98 percent at Class D citizens na may 95 percent ang nagbigay kay Digong ng highest approval rate sa paglaban sa Covid-19.

Ang survey ay nai­sagawa mula September 14 hanggang 20, na nagpakita rin na may 5 percent na aprubado at hindi aprubado sa pagkilos ni Duterte para labanan ang paglaganap ng Covid-19.

Ang Pulse Asia poll ay nagtanong sa may 1,200 individuals na may edad 18 pataas.

Ang nationwide margin error nito ay 2.8 percent at may 95 percent confidence level.

Ang survey na ito ay ginawa makaraang magkaroon ng isa pang Pulse Asia poll na nagsasabi na si Duterte ay nakakuha ng highest approval rating na 91 percent sa hanay ng limang matataas na opisyal ng bansa sa panahon ng Covid-19 pandemic.

COVID-19

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with