^

Police Metro

Pag-expropriate ng PECO Assets pabor sa More Power kinatigan ng korte

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaari nang legal na bilhin ng bagong power firm sa Iloilo City na More Electric and Power Corp. (More Power) ang lahat ng distribution assets ng dating electric utility na Panay Electric Company (PECO) matapos ipag-utos ng Iloilo City Regional Trial Court na maisama ang iba pang mga assets ng kumpanya sa inihaing Writ of Possession (WOP).

Sa 22 pahinang desisyon ni Iloilo RTC Judge Nestle Go ay kinatigan nito ang mosyon ng More Power na maisama maging ang Category C assets ng PECO sa WOP na una nang ipinalabas ni Iloilo RTC Judge Emerald Requina Contreras noong Pebrero 2020.

Ang WOP ang unang hakbang para sa pag-expropriate ng assets ng PECO matapos itong bawian ng prangkisa at ibigay ang 25 taong legislative franchise sa More Power sa bisa ng Republic Act 11212.

Sa ilalim ng prangkisa ng More Power ay binibigyan ito ng kapangyarihan na i-expropriate ang distribution assets at facilities ng PECO sa layuning masiguro na walang pagkaantala sa power supply service sa lalawigan.

Sa ilalim ng WOP ay hinati nito sa 3 kategorya ang mga assets, kasama sa Category A at B ang mga substations sa La Paz, City Proper, Jaro, Molo at Mandurriao substations; ang Meter Lab at Power Plant Building at Switchboard House na nasa General Luna Street.

Kasama naman sa Category C ang business building office ng PECO, elevator at parking lot; 769-square meter lot sa General Hughes, City Proper; 2,401-square meter lot at 2 guest/staff houses at semi concrete canteen sa General Luna St., City Proper.

Hinarang ng PECO ang pagkuha ng kanilang assets sa ilalim ng Category C subalit sa ipinalabas na desisyon ni Judge Go sinabi nito na ang ari-arian na nabanggit ay mahalaga para sa operasyon ng kumpanya.

PECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with