^

Police Metro

Kagat ng lamok at iba pang insekto ‘di nagdadala ng COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
Kagat ng lamok at iba pang insekto ‘di nagdadala ng COVID-19
Ito ang lumabas sa isang ‘clinical study’ ng US Department of Agri­culture at ang Kansas State University ukol sa potensyal na pagkalat ng virus sa pamamagitan ng lamok na kilalang nagtataglay at nagpapasa ng isang virus tulad ng West Nile virus, Zika at iba pa, sa tao at maging sa mga hayop.
Patrice Coppee/AFP

MANILA, Philippines — Wala umanong kakayahan na makapanghawa ng COVID-19 ang mga lamok at iba pang insekto sa pamamagitan ng pagdapo o pagkagat nito sa mga tao.

Ito ang lumabas sa isang ‘clinical study’ ng US Department of Agri­culture at ang Kansas State University ukol sa potensyal na pagkalat ng virus sa pamamagitan ng lamok na kilalang nagtataglay at nagpapasa ng isang virus tulad ng West Nile virus, Zika at iba pa, sa tao at maging sa mga hayop.

Sa kanilang eksperimento, ilang kilalang uri ng lamok na kilala sa pagpapakalat ng sakit at iba pang insekto na nangangagat ang ginamit ng mga siyentista na pinakain ng dugo na hinaluan ng novel coronavirus, SARS-CoV-2.

Dito nadiskubre na hindi kayang mabuhay o magpadami ng virus sa loob ng mga insekto.

Nakatakda pa namang isailalim sa pagsusuri ng ibang mga siyentista o tinatawag na ‘peer review’ ang na­turang resulta.

COVID-19

DEPARTMENT OF AGRI­CULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with