FB hindi iba-ban ni Duterte
MANILA, Philippines — Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban ang operasyon ng Facebook sa Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ng Palasyo matapos sabihin ng Pangulo na kailangan niyang makausap ang pamunuan ng Facebook nang tanggalin ang pekeng account na may kaugnayan sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malaking kawalan sa Facebook at Pilipinas kung mawawala ang operasyon ng social media site.
Hindi naman po siguro kasi ang sinabi ng Presidente, kinakailangan mag-usap. Parehong hindi mabuti yan sa Facebook at Pilipinas. Number one po kasi sa buong mundo tayo sa Facebook. Kung mawawala tayo, malaking kawalan po yan sa Facebook. Pero at the same time dahil number one nga tayo, maraming Pilipino ang gumagamit ng Facebook na maaapektuhan. Ang sabi naman ni Presidente, pag-usapan yan,” pahayag ni Roque.
Malinaw naman aniya ang apela ng Pangulo sa Facebook na huwag supilin ang malayang pamamahayag ng mga pabor sa gobyerno.
Kasi ang nangyayari po, kapag laban sa gobyerno, hindi po tinatanggal ng Facebook. Kapag suporta po ng gobyerno, tinatanggal po. Matagal na pong naninindigan ang President sa malayang pananalita. “Wala po, malinaw po ang sabi niya, ‘kinakailangan mag-usap tayo.’ And alam ninyo, the President is not alone, hindi po nag-iisa ang Pilipinas dito. Eh, iyong Mark Zuckerberg nga, iyong founder ng Facebook mismo, talagang sinasabi niya na mas marami talagang malawakang reporma ang kinakailangan nilang gawin,” paglilinaw ni Roque.
Related video:
- Latest