Barangay chairmen na pabaya ‘itotokhang’
MANILA, Philippines — Upang makatulong na masawata ang illegal drugs sa kani-kanilang nasasakupan ay itotokhang na rin ang mga barangay chairman.
Ito ang binigyan diin ni PDEA Director General Wilkins Villanueva matapos ang joint conference kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan.
Ayon kay Villanueva, mayroon pang 33 percent ng 42,045 barangays o nasa 14,171 barangay pa ang apektado ng droga kaya’t kailangan ang pakikipagtulungan ng barangay para matapos ang problema sa droga.
Ang mga barangay chairman ang nakakakilala sa kanilang mga residente kaya mas madaling matukoy kung sino ang sangkot sa illegal drugs.
Sinabi naman ni Cascolan na posibleng magamit muli ang salitang “Tokhang” o Toktok Hangyo.
Subalit, paglilinaw ni Cascolan na ito ay isang community relations activity na naglalayong himukin lamang ang mga kapitan ng barangay na tumulong sa war on drugs ng pamahalaan.
Anya, dapat lamang na muling maging aktibo ang mga barangay officials sa pamamagitan ng pagbuhay sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
- Latest