Pagbuwag sa Office of the Ombudsman pinalagan
MANILA, Philippines — Pinalagan ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ang inilahad ni Ombudsman Samuel Martires sa House Committee on Appropriations deliberations na buwagin na lamang ang Office of the Ombudsman kapag patuloy na tatanggi ang mga saksi laban sa mga korap na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Morales na mas darami at lalala ang mga katiwalian at korapsiyon sa bansa oras na mabuwag ang Office of the Ombudsman.
“Testimonial evidence is not the only evidence to build up a case.There is documentary, object, physical, circumstantial evidence. Subpoena duces tecum can be used to produce documents,” pahayag ni Morales.
Sinabi ni Morales na ilan sa mga documentary evidence ay ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at records mula sa Anti-Money Laundering Council.
Una nang sinabi ni Martires na hindi na kailangang busisiin ang SALN ng mga pinaghihinalaang korap na public officials dahil hindi ito makakatulong para kasuhan ng plunder at graft ang isang opisyal ng gobyerno.
Isa pang binusisi nito ang guidelines na inisyu ni Martires na limitahan ang media at public’s access sa statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng public officials.
- Latest