Hired contact tracers magsisimula nang magtrabaho
MANILA, Philippines — Magsisimula nang magtrabaho sa darating na October 1 ang mga natanggap na contact tracer.
“Ang target natin is October 1 mag-start na sila ng work nila. Tamang-tama naman na ‘yun din ‘yung period na mare-release ‘yung budget sa atin. So inuna lang talaga natin ma-fulfill ‘yung recruitment, maipasa nila ‘yung requirements then they can start working,” lahad ni Interior Secretary Eduardo Año.
Target ng Department of the Interior and Local Government na tumanggap ng 50,000 contact tracers para mapalawig pa ang laban sa COVID-19.
“Mas marami tayong ilalagay sa lugar na nangangailangan at mayroon pa rin namang maiiwan doon sa low active cases para sigurado din naman na tuluy-tuloy ‘yung pagcontact tracing.”
“So kung saan ‘yung matataas like in Metro Manila, 9,285 contact tracers ‘yung ating kinuha dito at Quezon City ‘yung maraming pupuntahan din niyan sapagkat ito ‘yung marami pa rin tayong active cases,” paliwanag pa ng opisyal.
Sa ulat ay kikita ng minimum na P18,784 kada buwan sa contract of service status ang matatanggap.
- Latest