^

Police Metro

Metro Manila ‘wag ilagay sa MGCQ

Danilo Garcia - Pang-masa
Metro Manila ‘wag ilagay sa MGCQ
Kamakailan lang ay sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez ang posibilidad na pagluwag ng quarantine restriction sa MGCQ simula Oktubre upang makapagbukas pa ng mas maraming sektor ng ekonomiya.
STAR/Miguel de Guzman, file

Panawagan ng Healthcare group...

MANILA, Philippines — Tinutulan ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 ang Metro Manila sa pagbaba ng quarantine restriction nito mula general community quarantine (GCQ) sa mas maluwag na modified ge­neral community quarantine (MGCQ).

Ito ang inihayag ni Dr. Antonio Dans, convenor of Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 dahil hindi umano sapat na dahilan yung hindi na kaya ng ekonomiya dahil isa na iyong pagsuko at aanhin  ang kabuhayan kung wala na ang buhay.

Kamakailan lang ay sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez ang posibilidad na pagluwag ng quarantine restriction sa MGCQ simula Oktubre upang makapagbukas pa ng mas maraming sektor ng ekonomiya.

 “Yung internet, napaka­laking role niyan. Unang-una yung ating data, di ba huli-huli? Parang tatlong linggo bago makumpleto kung ilan ba ang namatay today kasi manual ang ating data transmission,” lahad ni Dans.

Samantala, sinabi naman ni Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na pinamumunuan ni dating Health Secretary Jaime Galvez-Tan na tanggalin na rin ang mga ‘quarantine’ sa bansa dahil sa tinatawag nilang ‘exaggeration’ sa takot sa COVID-19 at magpatupad na lamang ng mas epektibong healthcare system sa mga komunidad.

Ngunit sinabi ni Dr. Rontgene Solante, head ng adult infection disease ng San Lazaro Hospital na maaari lamang paluwagin ang quarantine kung may malaki nang pagbaba sa kaso ng COVID-19.

Iginiit niya na hindi ‘exaggeration’ o labis ang reaksyon ng pamahalaan dahil sa marami na ang namatay at patuloy ang bilang ng mga nasa ‘severe’ at ‘critical cases’. - Angie dela Cruz

COVID-19

MGCQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with