^

Police Metro

Distribusyon ng droga sa Bilibid, patuloy — PNP

Doris Franche - Pang-masa
Distribusyon ng droga sa Bilibid, patuloy — PNP
Sinabi ni Police General Camilo Cascolan na natuklasan nila ito matapos ang isinagawang anti-drugs operation sa Cebu City nitong Linggo na nagresulta sa pagkakasamsam sa pitong kilo ng shabu.
STAR/Ernie Peñaredondo, file

Drug lords aktibo pa rin…

MANILA, Philippines —  Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Camilo Cascolan na patuloy at aktibo pa rin sa kanilang illegal drugs distribution sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga nahatulan nang drug lords kahit nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sinabi ni Cascolan na natuklasan nila ito matapos ang isinagawang anti-drugs operation sa Cebu City nitong Linggo na nagresulta sa pagkakasamsam sa pitong kilo ng shabu.

Ayon sa PNP chief, matapos ang interogasyon sa nahuling drug couriers, nalaman na ang drugs distribution ay isinagawa sa tulong ng isang convicted drug lord na nakakulong ngayon sa NBP.

Tinukoy niya ang drug lord na si Rustico ‘Dikoy’ Ygot na na-convict noong 2013.

Dahil dito, sinabi ni Cascolan na inatasan niya ang Drug Enforcement Group na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mai-validate ang im­pormas­yong patuloy ang aktibidad ng nasabing drug lord kahit nasentensyahan at nakapiit na sa NBP.

Ang mga droga, uma­abot sa halagang P47 mil­yon, ay sinasabing nanggaling sa kontak ni Ygot sa San Carlos City, Negros Oriental.

Matatandaang siyam na convicted drug lords na nakadetine sa NBP ang sinasabing namatay sa COVID-19 noong Hulyo.

Kabilang dito sina Jaybee Sebastian, Pasig City shabu tiangge operator Amin Imam Boratong at Chinese drug lord Zhang Zhu Li na pawang nakapiit sa Building 14, ang detention facility para sa mga high-profile inmate.

Sa kabila nito, tila naman “walang takot” si Ygot na sinasabing nagpapatuloy sa kanyang iligal na aktibidad kahit nasa kuwadra na ng NBP.

Wala pang reaksyon hinggil dito si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na sinasabing naka-qua­rantine ngayon matapos umanong magpositibo sa COVID-19.

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with