Drug pushers gagawing asset kontra drug lords ng PNP
MANILA, Philippines — Hindi aniya dapat patayin ang small time drug users bagkus maging daan para mahuli ang iba pang sangkot sa droga.
Ito ang paniniwala ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan at sa halip ay gamitin upang malambat ang mga bigtime o druglords.
Ayon kay Cascolan, ang mga small time drug pushers ang nakakakilala sa kanilang mga supplier na daan upang maging matagumpay na ang PNP sa kanilang kampanya.
Sinabi ni Cascolan na mananatili ang kanyang kautusan na isalba ang mga small time drug pushers at papanagutin ang mga druglords na patuloy na nangwawasak ng lipunan.
Pinabulaanan ni Cascolan na dumoble ang drug war killings sa panahon ng pandemya sa inilabas na pahayag ng Human Rights Watch (HRW) na nadagdagan ng 50 porsyento ang mga nasawi sa war on drugs sa pagitan ng Abril hanggang Hulyo ngayong taon.
Binigyan diin ni Cascolan na nadagdagan lamang ng ilan ang bilang kung saan small time pusher ang nasasangkot.
- Latest