^

Police Metro

Naninira sa MORE Power nasa bakod ng PECO - consumer group

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) President Halley Alcarde ang tunay na intensyon ng dating empleyado ng Panay Electric Company (PECO) na nagpapakilala na miyembro ng kanilang consumer group para banatan ang distribution utility na More Electric and Power Corporation (More Power) sa Iloilo City.

Ayon kay Alcarde, si Jose Allen Aquino ay da-ting kawani ng PECO na nag-resign at bumuo ng grupong Power Service Cooperative (PSC) na kalaunan ay nagtangka umanong kumuha ng kontrata sa More Power ngunit hindi ito naaprubahan.

Sa Facebook page ng PSC, ang deskripsyon sa grupo ay isa itong service cooperative na ang founding members ay mga dating kawani ng PECO kasama si Aquino.

Makikita din sa FB page ng PSC ang mga litrato ng naging product presentation nito sa More Power noong Setyembre 17, 2019.

Una nang inalmahan ng mga orihinal na mga opisyal ng KBK ang umano’y paggamit ni Aquino sa kanilang grupo partikular ang pagharap pa nito sa virtual press conference ng PECO kamakailan kung saan ipinananawagan nito sa Energy Regulatory Commission (ERC) na mag-refund ang More Power sa sobrang siningil nito sa systems loss.

Sa isang official statement ng grupo na nilagdaan ni Alcarde sinabi nito na kanila nang inihahanda ang kaukulang kaso laban kay Aquino dahil sa paggamit nya sa consumer group habang lumiham na rin sila sa ERC para linawin na hindi sintimyento ng libu-libong miyembro nila ang mga bintang ni Aquino laban sa More Power gayundin ay hindi ito kailanman naging konektado o kasapi sa kanilang grupo.

Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission ay isang power consumer group sa Iloilo City na koalisyon ng ibat ibang grupo kabilang ang Simbahan, transport group at teacher and parents association.

PECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with