^

Police Metro

Metro Manila mayors pabor sa pagpapasara ng sementeryo sa Undas

Danilo Garcia - Pang-masa
Metro Manila mayors pabor sa pagpapasara ng sementeryo sa Undas
Inuumpisahan nang linisin ng mga caretaker ang nitso sa loob ng Karuhatanpublic cemetery sa Valenzuela City bilang paghahanda sa araw ng Undas.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iisa ang naging desis­yon ng Metro Manila mayors sa pagpapa­sara ng mga sementeryo sa darating na Undas ngayong may pandem­yang kinakaharap ang bansa.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ge­neral manager Jojo Garcia, sang-ayon ang 17 mayor ng capital region sa pansamantalang pagpapasara ng mga sementeryo.

“Base sa group chat namin, majority talaga. It will be unanimous, I think ano. 17-0 ‘yan, if ever,” ani Garcia sa isang panayam.

Makikipagpulong din aniya siya sa mga lokal na ehekutibo upang magtakda ng mga polisiya sa naturang pagpapasara.

Una nang naglabas ng kautusan sa Lungsod ng Maynila si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na pansamantalang isasara ang mga sementeryo pribado man o pampubliko sa ika-31 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Nauna ring sinabi ni National Task Force (NTF) COVID-19 spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na posibleng magsara ang mga semen­teryo sa buong bansa.

Suportado na naman ng Simbahang Katolika ang pagsasara ng mga sementeryo sa Undas at tiniyak na susunod sa mga panuntunan na ipatutupad ng pamahalaan.

Hinimok naman ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay sa ibang mga araw bilang pag-iingat at pangangalaga sa kalusugan.

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with