^

Police Metro

4 Nigerian hacker nakatangay ng higit P100 milyon sa bangko

Danilo Garcia - Pang-masa
4 Nigerian hacker nakatangay ng higit P100 milyon sa bangko
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, nalaman ang transakyon ng mga dayuhan nang ma-hack ang system ng bangko kung saan nai­lipat ang mahigit P100 mil­yon sa iba’t ibang accounts.
Pixabay

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Nigerian national dahil sa umano’y pagkakasangkot sa international syndicate na nagha-hack at kumukuha ng pera sa bangko.

Sa ulat, sinalakay ng mga ahente ng NBI ang isang condominium unit sa Muntinlupa City matapos ang ilang araw na surveillance.

May sinalakay ding dalawang condominium units sa Solano Hills residential development sa Sucat, Muntinlupa City.

Naaresto sa magkahiwalay na raid ang apat na Nigerians at isang Pinay.

May mga nakumpiska ding digital devices at mga pinekeng dokumento.

Sa ginawang imbestigasyon, inamin ng Pinay na suspek na nagsimula ang grupo na mag-withdraw mula sa mga bangko noong June 12 Independence Day long weekend.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, nalaman ang transakyon ng mga dayuhan nang ma-hack ang system ng bangko kung saan nai­lipat ang mahigit P100 mil­yon sa iba’t ibang accounts.

Dagdag pa ng NBI, pinag-aralang mabuti ng sindikato ang system flaws ng bangko kaya medyo kumplikado.

Kapag nakita aniya ng international syndicate ang kahinaan ng computer system ay saka doon sila mananamantala.

Umamin naman ang Pinay girlfriend ng isa sa suspek na ginagamit ang kanyang account para mag-deposit at mag-withdraw ng pera na umaabot sa halagang P2 milyon na para sana umano sa tuition.

Itinanggi naman ng mga Nigerian ang paratang at sinabing narito sila sa bansa para mag-aral at wala silang kinalaman sa hacking incident.

Ang mga inilabas umanong pera ay donasyon mula sa Nigerian student community.

Nakumpiska sa mga dayuhan ang bank receipts at ATM cards.

Ayon sa NBI, nilabag ng mga suspek ang Access Device Law, Anti-Cybercrime law at falsification of public documents.

HACKER

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with