^

Police Metro

25 katao nasa isang gusali tinamaan ng COVID-19

Doris Franche - Pang-masa
25 katao nasa isang gusali tinamaan ng COVID-19
“Lahat ng mga residente ng Building 4 ay dapat manatili sa bahay. Lahat din ay kailangan sumailalim sa swab test. Sinumang magpositibo ay dadalhin agad sa Community Isolation Facility. Bibigyan din ng relief packs ang mga miyembro ng kanilang pamilya na maiiwan sa bahay,” ani Tiangco.
STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Inilagay sa lockdown ang Building 4 ng Navotas Homes-2 sa Brgy. Tanza 2 mula kahapon ng 5:01 ng umaga hanggang September 19, 11:59 ng gabi sa Navotas City sa bisa ng Executive Order No. TMT-046, series of 2020 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco.

Ito ay matapos na 25 residente ng nasabing gusali ang magpositibo sa COVID-19 nitong Agosto ayon sa City Health Office.

“Lahat ng mga residente ng Building 4 ay dapat manatili sa bahay. Lahat din ay kailangan sumailalim sa swab test. Sinumang magpositibo ay dadalhin agad sa Community Isolation Facility. Bibigyan din ng relief packs ang mga miyembro ng kanilang pamilya na maiiwan sa bahay,” ani Tiangco.

Ang mga may trabaho o negosyo o yaong mga essential worker na exempted ng IATF ay makapapasok lamang sa trabaho kapag nagnega­tibo na sila sa swab test at may dala silang valid company ID o certificate of employment.

Kapag papasok sa trabaho, kailangang nakasuot sila ng mask na natatakpan ang ilong at bibig, sumusunod sa 1-2 metrong social distancing, hindi namamalagi sa matataong lugar at palaging nag­huhugas o nag-aalkohol ng mga kamay.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with