^

Police Metro

Pagkamatay ni Parojinog walang foul play – PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Pagkamatay ni Parojinog walang foul play â PNP
“As of this time we are ruling it out (foul play) because there was no indication of violence that transpired during the night and upon examination of his body,” paliwanag ni PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police kahapon na walang foul play sa pagkamatay ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog na natagpuan sa kanyang selda sa Misamis Occidental kamakalawa ng umaga.

“As of this time we are ruling it out (foul play) because there was no indication of violence that transpired during the night and upon examination of his body,” paliwanag ni PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac.

Nitong Biyernes ng hapon ay una nang sinabi ni Police Regional Office (PRO) 10 director Brig. Gen. Rolando Anduyan na base sa pagsusuri ng mga doktor ng Ozamiz City Health Office ay namatay sa cardio pulmonary arrest secondary to cardio vascular disease o atake sa puso si Parojinog habang hinihintay pa ang resulta ng swab test nito.

Sinabi ni Banac na kinunan na rin ng pahayag ang mga pulis na nag-escort kay Parojinog bilang bahagi ng protocols ng PNP.

Si Ardot ay ang nakababatang kapatid ni da­ting Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog na napatay kasama ang 14 iba pa sa drug raid sa bahay nito noong Hulyo 2017. Ang dating alkalde ay tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa drug list.

RICARDO “ARDOT” PAROJINOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with