38 Pinoy crew missing sa lumubog na barko
MANILA, Philippines — Nawawala ang nasa 38 Pinoy matapos umanong lumubog ang barko na kanilang sinasakyan nang maabutan ng bagyo sa karagatan ng southern Japan, kamakalawa ng gabi.
Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations ang Japanese coast guard sa barko na may sakay na 38 Pinoy, 2 taga-New Zealand at 2 mula sa Australia na crew members.
Sa pinakahuling ulat, isang Filipino na ang na-rescue ng Japanese Navy P-3C surveillance aircraft matapos siyang mamataan na nakasuot ng life jacket at palutang- lutang sa malakas na alon at nasa maayos.
Ang 11,947 toneladang Gulf Livestock 1 ship ay may lulan na 5,800 na baka ay nasa west ng western coast ng Amani Oshima sa East China Sea nang mag- distress call noong Miyerkules ng umaga.
Hindi naman nabatid kung ano ang dahilan ng distress call, subalit hinihinalang ang panahon sa nasabing lugar ay masama dahil sa bagyong Maysak.
Ang barko ay pag-aari ng Gulf Navigation na nakabase sa United Arab Emirates ay umalis sa port of Nepier sa Northern Eastern New Zealand at patungo sana sa port of Tangshan sa eastern coast ng China.
- Latest