^

Police Metro

Emergency power kay Duterte tinutulak sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Emergency power kay Duterte tinutulak sa Kamara
Sa naganap na joint committee hearing ng House Committee on Public Accounts at Committee on Good Government and Public Accountability sa isyu ng PhilHealth sinabi ni House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor na kanila nang tinatalakay ang pagbibigay ng emergency power sa Pangulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para mabilisang maireporma ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay pinag-aaralan na ng Kamara ang pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing panukala ay suportado naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nagsabing maganda ang proposal para masolusyunan na ang iregularidad sa ahensya.

Sa naganap na joint committee hearing ng  House Committee on Public Accounts at Committee on Good Government and Public Accountability  sa isyu ng PhilHealth sinabi ni House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor na kanila nang tinatalakay ang pagbibigay ng emergency power sa Pangulo.

Pabor din si Justice Undersecretary Adrian Sugay, na dumalo rin sa pagdinig sa panukalang ito gayunpaman wala pang ibang detalye ang Kamara kaugnay sa nasabing panukala.

Samantala, matapos irekomenda ng Senado na kasuhan siya ng kriminal, dumepensa naman si Duque at nanindigang hindi siya naging bahagi ng grupo na nag-aral sa interim reimbursement mechanism ng PhilHealth dahil ang kanyang tinutukan ay ang pagiging Chairman ng IATF na siyang nangasiwa sa pagtugon sa covid-19.

Ani Duque, handa siyang humarap sa Senado at ipaliwanag ang kanyang panig sa isyu. - Danilo Garcia-

EMERGENCY POWER

PHILHEALTH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with