Metro Manila mananatili sa GCQ
MANILA, Philippines — Iligan City isinailalim sa MECQ…
Iiral pa rin ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa loob ng isang buwan.
Ito ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pulong sa Inter-Agency Task Force kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maliban sa Metro Manila, iiral pa din ang GCQ sa Bulacan at Batangas. Gayundin sa Bacolod City at Tacloban City sa Visayas.
Isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iligan City na kung saan ay nakasarado ang ekonomiya at mga 25 porsiyento pa lang ng mga industriya ang bukas.
Ayon pa kay Roque, pupuwede lang sa MECQ ay mga indispensable industries gaya ng mga bangko, supermarkets, mga BPOs, at export-oriented industries. Bawal ang public gathering at mass assembly. Papayagan ang mga religious services pero hanggang lima lamang.
Ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay sasailalim na lamang sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ang bagong quarantine measures na inanunsyo ni Roque ay umiral kahapon hanggang sa Sept. 30.
Muling ipinaalala ng Pangulo sa mga mamamayan na pairalin ang ibayong pag-iingat.
- Latest