^

Police Metro

Duterte: Puwersa vs Terorista palalakasin

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte: Puwersa vs Terorista palalakasin
Sa naging mensahe ng Pangulo sa kanyang naging pagbisita kamakalawa ng gabi sa nasabing lugar, ay sinabi nito na ang pagbomba na nagresulta ng pagkamatay ng ilang sibilyan at mga sundalo ay sapat ng dahilan para mas pa­lakasin ang puwersa para durugin ang mga lawless elements na nasa likod ng kaduwagang pagkilos na ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan ay nagkaroon ng dahilan si Pangulong Rodrido Roa Duterte na mas lalo pang palakasin ang puwersa para durugin ang mga lawless elements partikular na ang mga terorista kaya’t umapela ito sa mga sundalo na ipagpatuloy ang paglaban hanggang maubos ang mga kalaban.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa kanyang naging pagbisita kamakalawa ng gabi sa nasabing lugar, ay sinabi nito na ang pagbomba na nagresulta ng pagkamatay ng ilang sibilyan at mga sundalo ay sapat ng dahilan para mas pa­lakasin ang puwersa para durugin ang mga lawless elements na nasa likod ng kaduwagang pagkilos na ito.

“To our troops I stand in solidarity with you as we honor the memory of your comrades, my soldiers, who gave their lives in the name of peace here in Sulu,” diing pahayag ng Pangulo.

Sa ilang dekada na aniya, ang progreso sa Mindanao ay palaging nahahadlangan ng banta ng insurgency at extremism.

“Kung wala lang ho sana itong the seed of hatred na nakalagay sa isip from generation to generation sana ngayon maganda na ang buhay para sa lahat,” ayon sa Chief Executive.

Ang masaklap aniyang pangyayaring ito ay isa lamang sa maituturing niyang “countless incidents” na magpapatunay na hindi dapat maging kampante ang pamahalaan pagdating sa tero­rismo.

“Lagi ninyong tandaan na ang kaligtasan ng ating mamamayan at mga komunidad ang inyong prayoridad,” giit ng Pangulo.

“Right now, our entire nation is dealing with the global health crisis yet enemies of the state will still find the energy to perpetuate the acts of violence and terrorism,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Ngayon aniya ay mas kailangan ng bansa ang Armed Forces para tiyakin na ang mga terorista ay hindi magtatagumpay sa kanilang walang katuturan at walang kuwentang layunin.

Batid aniya na ang nagpapatuloy na pan­demya ay hindi lamang ginawang komplikado ang responsibilidad at paghihirap ng mga sundalo dahil sa diwa ng hindi pagiging makasarili ay nanatili aniya ang mga ito na matatag sa kanilang misyon para sa mga Filipino.

RODRIGO DUTERTE

TERORISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with