Duterte wala pang ipapalit kay Gamboa
MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na may naririnig lang siya na mga “contenders”, pero wala pang napipili ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit kay Philippine National Police chief General Archie Gamboa.
Sinabi pa ni Roque na sa tamang oras ay ihahayag kung sino ang ipapalit kay Gamboa dahil malapit na ang birthday nito sa September.
Nauna rito, lumutang ang ulat na posibleng palawigin ng Pangulo ang sebisyo ni Gamboa at may mga nagpalutang din na posibleng italaga ito bilang pinuno ng National Bureau of Investigation.
Samantala, ipinasa na ni Interior Secretary Eduardo Año ang listahan ng tatlong hindi pinangalanang kandidato na posibleng maging susunod na chief ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Duterte.
Giit ni Año na lahat ng star-rank na opisyal ng PNP ay maaaring ikonsidera sa iiwang posisyon ni Gamboa na nakatakdang magretiro sa ika-56 kaarawan nito sa Setyembre 2.
Matunog na sa hanay ng mga pulis sina Lt. Gen. Camilo Cascolan, deputy chief for administration at head of the Administrative Support to Covid-19 Operations Task Force (ASCOTF); Lt. Gen. Guillermo Eleazar, deputy chief for operations at commander of the Joint Task Force Covid Shield; at Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, chief of the PNP directorial staff na posibleng humalili bilang PNP chief.
- Latest