Senior na buhay pa pinatay na ng Philhealth
MANILA, Philippines — Ikinagulat ng isang senior citizen na ‘deceased’ na siya sa datos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kinilala itong si Efren Aguilar na umano’y namatay sa talaan noong September 15, 2016 kahit siya ay buhay pa.
“Actually, nanlamig ako no’ng sinabing ‘Patay na kayo e’. Wala akong nasabing words siguro no’ng mga first few minutes noong pagkabigay sa ‘kin no’ng papel,” ani Aguilar.
“Sabi ko, ‘Bakit nagka gano’n?’ Tinatanong ko sarili ko, ‘Ilan kaya kami na ginanito? Hindi lang siguro ako nag-iisa, marami kami nito.”
Giit pa ni Aguilar, huli siyang nakakuha ng benepisyo mula sa PhilHealth noon pang 2012.
Dumepensa at nagpaliwanag naman ang PhilHealth sa naturang pagkakamali.
“Una, humihingi kami ng paumanhin kay Mr. Aguilar sa naging pagkakamali sa kaniyang record,” giit ni PhilHealth corporate communication senior manager Rey Balena.
“Ang nangyari po ay maaaring may nagkaroon ng pagkakamali sa tagging ng data…Maaari rin na encoding error ‘yan. Ano’t anuman, mayroon tayong paraan at solusyon para maitama ‘yan,” dagdag pa nito.
Samantala, hinikayat din ang iba pang PhilHealth members na iulat sa ahensya kung may kaparehong kaso ng kay Aguilar.
- Latest