^

Police Metro

More Power pumalag sa bintang na tumaas ang systems loss sa Iloilo

Pang-masa
More Power pumalag sa bintang na tumaas ang systems loss sa Iloilo
Maging ang grupong Koalisyon Bantay Kur­yente (KBK) na kaal­yado nito ay binatikos ng More Power sa umanoy sinabi na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa mga consumers na mataas sa 6.5% na siya lamang itinatakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).
STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pinalagan ng More Electric and Power Corp (More Power) ang pahayag ng Panay Electric Company (PECO) na tumaas ang systems loss na sinisingil sa mga consumers sa Iloilo City.

Maging ang grupong Koalisyon Bantay Kur­yente (KBK) na kaal­yado nito ay binatikos ng More Power sa umanoy sinabi na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa mga consumers na mataas sa 6.5% na siya lamang itinatakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ipinaliwanag ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na ang systems loss computation ni KBK President Jose Allen Aquino ay ibinase umano sa ma­ling formula na ta­nging generation charge lamang ang isinama sa kumpyutasyon na ang tama ay kasama maging ang transmission charge.

Kung susundan umano ang formula na ginamit ng KBK halimbawa sa billing ng noong Pebrero 2020 ay bubuwelta rin sa kanila ang kanilang akusasyon dahil lalabas na nasa 8.13% ang kanilang systems loss na mas mataas pa rin kaysa sa ipinalalabas laban sa More Power.

Ipinaliwanag ni Cabrera na mula nang magsimula ng operasyon ang More Power noong Pebrero ay nasa 6% systems loss lamang ang kanilang sinisingil sa mga consumers at bababa pa ito pagsapit ng 2021 na aabot na lamang sa 5.50% at sa 2022 ay 4.75%.

Mula noong Mayo 2018  ay nagtakda na ng system loss cap ang ERC na siya lamang puwedeng singilin sa mga consu­mers at ang sosobra sa itinakdang cap ay papasanin na ng mga distribution uti­lity kaya’t  pinagbubuti ng More Power ang kanilang distribution system at buong pasilidad at hinahabol ang mga gumagamit ng jumper upang hindi lumaki ang kanilang systems loss na ang kumpanya rin ang papasan.

MORE POWER

PECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with