^

Police Metro

14 katao nasawi, 76 sugatan sa Jolo twin bombing

Doris Franche - Pang-masa
14 katao nasawi, 76 sugatan sa Jolo twin bombing
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESMINCOM) na si Capt. Rex Payot, alas-11:40 ng tanghali nang mangyari ang pagsabog sa Terante St., Barangay Walled City, Plaza Rizal.
AFP/Nickee Butlangan

MANILA, Philippines — Nasa 14 katao ang nasawi kabilang ang anim na sundalo habang 76 ang nasugatan sa kambal na pagsabog sa Walled City sa Jolo, Sulu, kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESMINCOM) na si Capt. Rex Payot, alas-11:40 ng tanghali nang mangyari ang pagsabog sa Terante St., Barangay Walled City, Plaza Rizal.

Nasa tabi ng sumabog na motorsiklo na sinasabing nilagyan ng maraming bomba ang M35 truck ng mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army na ikinasawi agad ng anim na sundalo na kinila­lang sina SSgts. Louie T. Cuarteros; Manuelito M. Oria; Pvts. James Suriaga Apolinario; Omair L. Muksan; John Rey E. Paller at Juvienjay T. Emlani.

Makalipas lang ang mahigit isang oras, naganap ang pangalawang pagsabog sa harap ng DBP Bank 100 metro lang ang layo sa unang pagsabog habang kinokordonan na ng pulisya ang blast site.

Kinumpirma rin ni Payot na ang ikalawang pagsabog ay hindi kalayuan sa Mt. Carmel Cathedral na pinasabog din noong isang taon.

Patuloy na isinasagawa ang rescue operations maging ang imbestigasyon sa kambal na pagsabog. - Rhoderick Beñez-

JOLO BOMBING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with