Suplay ng bigas, sapat hanggang matapos ang 2020
MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng bigas hanggang sa pagtatapos ng taong 2020.
Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar kahit na naipaiiral ang protracted community quarantine dahil sa Covid-19 pandemic at mga kalamidad.
Hindi rin anya apektado ang ating bansa ng pagbahang naganap sa China sa pangambang mabalam ang global rice market.
Sinabi ni Secretary Dar na nitong buwan ng Agosto ay may 53 days rice inventory ang ating bansa at dadagsa pa ang suplay dahil sa inaasahang anihan ng palay simula sa Setyembre.
Ang second quarter palay production ng bansa ay umaabot sa 4.125 million metric tons dahil sa mga repormang ipinatupad sa ilalim ng rice tariffication law.
Kahit na anya may mga bagyo at kalamidad na maaaring maganap sa BER months, inaasahang ang record ng palay output ngayong taon ay aabutin ng 20.34 million metric tons, na nagpapakita ng 8 percent na taas kaysa sa 2019 production.
- Latest