42 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 42 katao sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tinamaan ng COVID-19 makaraang dalawa pang empleyado ang nagpositibo sa virus.
Ito ang inianunsyo kahapon ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang isa sa mga nagpositibo ay empleyadong nakatalaga sa Committee on Rules na nagreport sa trabaho noong nakalipas na Hulyo 20 at noong Agosto 5.
Ang ikalawang empleyado na nagpositibo sa virus ay mula naman sa Grounds Maintenance Group na huling nagreport sa trabaho noong Hulyo 20 hanggang 30 pero asymptomatic.
Ang nasabing empleyado ay nagkaroon ng kontak sa kaniyang kasama sa trabaho na una nang nagpositibo sa virus.
Sa 42 positibong tinamaan ng virus ay hindi dito kabilang si Senior Citizens Partylist Rep. Francisco Datol Jr. na binawian ng buhay noong Agosto 4 dahil sa COVID 19.
- Latest