^

Police Metro

PECO dapat respetuhin ang batas — More Power

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respetuhin at sundin ang itinakdang batas sa harap na rin ng patuloy na legal battle at nakatakdang pagpapalabas ng desisyon ng Supreme Court(SC) sa legalidad ng inihaing expropriation case.

Kinastigo rin ni More Power President and CEO Roel Castro sa ipinalalabas ng kampo ng PECO na may bias umano ang mga RTC Judges at SC sa More Power kaya naman pumapabor ang desisyon nito sa kanila gayung ang mga desisyon ng korte ay nakaayon sa facts habang objective at independent ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba sa mga kasong hawak nito.

Una nang sinabi ni PECO Legal Counsel Atty. Estrela Elamparo na ang kanilang “main fight” ay talagang sa SC at naniniwala silang idedeklarang unconstitutional ng  kataas-taasang hukuman ang ginawang pag-takeover ng More Power sa assets ng PECO habang si Abang Lingkod Partylist Rep Joseph Stephen Paduano ay umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna na sa usapin ng dalawang kumpanya dahil na rin sa palagay nitong bias ang korte sa bagong distribution utility.

Ipinaliwanag ni SC Spokesman Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyon ng pagiging bias ng kataas-taasang hukuman, aniya, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado at ang desisyon nito ay nakabase sa majority vote at laging nakaangkla sa facts, applicable laws at current jurisprudence.

Disyembre 11, 2018 nang bigyan ng 25 taong legislative franchise ng Kongreso ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO, Pebrero 14,2019 nang isabatas ito ni Pangulong Duterte nang lagdaan ang Republic Act 11212.

MORE POWER

PECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with