Pagpili kung sino ang bubuhayin sa COVID-19 patients ‘di mangyayari
Hindi na aabot ang Pinas sa puntong ’yan-DOH…
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman aabot ang bansa sa puntong pipiliin na ng medical frontliners kung sino ang bubuhayin sa mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease o COVID-19.
“I don’t think so. That would never happen. Lahat ng pasyente na dadating sa ospital kahit gaano man kapuno iyan gagawan ng paraan ng gobyerno para sila ay ma-manage natin,” ayon kay Vergeire
“Kung tayo man ay mapupuno dito sa Metro Manila, nakahanda na ang mga karatig na regions natin to accommodate our patients,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Vergeire na gagawa at gagawa naman aniya ang pamahalaan ng paraan para mabigyan ng tamang atensyong pangkalusugan ang mga positibo sa nasabing sakit.
Matatandaang aabot sa 119,460 kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, Agosto 6 kung saan 50,473 dito ang active cases.
Nabatid na mahigit kalahati sa mga kaso ay mula sa Metro Manila kung saan kasalukuyang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Agosto 18.
- Latest