^

Police Metro

Presyo ng face shield sumirit sa merkado

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
Presyo ng face shield sumirit sa merkado
Sinimulan na ang pagpapatupad ng “no face shield, no travel” policy sa mga public transport sa Quezon City na kung saan dapat nakasuot ng face shield ang mga pasahero para iwas COVID-19.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bilang sumirit ang presyo sa merkado ng face shield matapos ang pagpapa­labas ng Department of Transportation (DOTr) ng panibagong ‘mandatory requirement’ sa pagsusuot ng mga pasahero ng face shield sa pampublikong sasakyan.

Kaya’t nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI ) na bantayan ang presyo ng face shield dati ay naglalaro sa P30.00 hanggang P40.00 ang presyo ng face shield at napabalitang sumirit na ito sa halagang P60.00 hanggang P65.00 bawat piraso.

Kaya’t inupakan ni  Marcos si DOTr Secretary Arthur Tugade sa pagpapalabas ng panibagong “mandatory requirement” sa pagsusuot ng face shield sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan matapos bumaha sa merkado ang produkto na walang bumibili.

Sinabi ni Marcos na dagdag-pasanin at gastos para sa naghihikahos na Pinoy ang panibagong ‘mandatory requirement’ na face shield sa mga pasahero sa jeep, bus, tren at eroplano na ipatutupad simula sa August 15 sa gitna nang patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Anya, sa harap ng pagtutol ng nakarara­ming naghihikahos na Pinoy sa krisis na dinaranas dahil sa kawalan ng trabaho, kakapusan ng pagkain at nakatakda pang gastusin sa pagbubukas ng online classes sa August 24.

Pinaalalahanan ni Marcos si Tugade na huwag basta-basta na lang biglain na naman sa gastusin ang taumbayan dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at iba pang mananakay.

COVID-19

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with