^

Police Metro

More Power: Mga problema ng jumper at overloading sa Iloilo City, nabawasan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang nagaganap na sunog sa nakalipas na 5 buwan mula nang i-takeover ng bagong distribution utility na More Power and Electric Corp (More Power) nang simulang tutukan ang problema sa jumper at overloading ng mga linya ng kur­yente ng Panay Electric Company (PECO) sa Iloilo City na  dati ay nasa dalawa hanggang tatlong insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter’s area.

Ayon kay Iloilo East Baluarte Barangay Chairman Gary Patnubay, ang pagkakaroon ng mga jumper ang pinakamalaking problema noon kaya madalas ang sunog, nasa 30 hanggang 40 porsiyento ng kanyang constituents ang nasa illegal connections, subalit nang pumasok ang More Power at nagkaroon ng programa para magkaroon ng legal na linya ng kuryente ay 75% na ng mga residente ang nag-apply para sa kanilang sariling kuntador.

Maliban sa jumper, malaking dahilan din ng maraming sunog sa lalawigan ang pole fires, sa report ng Bureau of Fire Protection na isinumite nito sa Energy Regulatory Commission (ERC), mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019 ay nasa 2,887 sunog ang naganap sa Iloilo City at sa nasabing bilang ay 1,464 kaso o 51.187 porsiyento.

Inilistang dahilan ng BFP na sanhi ng pagkasunog ng mga poste na gawa sa kahoy ay ang short circuit bunsod ng nakalantad nang electricity wires at overloading dala na rin ng mga jumper.

Sa 2019 Technical Study ng MIESCOR Engineering Services Corp ay natukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang itinuturong dahilan nang pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3%.

Nakabinbin pa rin sa ERC ang imbestigasyon sa serye ng pole fires sa Iloilo City alinsunod sa naging reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na nauna nang nagpahayag ng pangamba na mauwi sa ma­laking sunog sa lalawigan.

KURYENTE

MORE POWER

PECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with